4/3/13

Too Late



Lahat tayo dumadating sa punto na merong isang tao na sobrang komportable ka kapag siya ang kausap mo. Tinalo niyo pa ang magkarelasyon sa sobrang ka-sweetan niyo. Gusto mo siya pero tinatago mo lang ito sa sarili mo kasi inaantay mo siya ang unang magsabi na gusto ka niya. Natatakot ka kasi baka hindi kayo parehas ng nararamdaman. Dumating na kasi sa punto na nasaktan ka na, kaya natakot ka na talaga. Mas pinapahalagahan mo na lang ang inyong pagiging magkaibigan pero isang araw pagkagising mo naisip mo na gusto mo nang  sabihin sakanya ang tunay mong nararamdaman pero huli na ang lahat nagkaroon na siya ng karelasyon niya. Nawalan ka ng pagasa pero sinabi mo pa rin ito sakanya para wala kang pagsisisihan. Nang sinabi mo na ito sakanya sinabi niya rin na parehas kayo ng nararamdaman pero meron na siyang iba eh. Wala ka na magagawa. Basta sa susunod, sabihin mo na ang tunay mong nararamdaman. Wag ka ng pakipot pa. Sugod lang ng sugod agad. Wala namang mawawala diba? Sabi nga nila, nasa huli ang pagsisisi.