4/1/13

Sirang Tiwala



Minsan pinipilit mong isipin na kalokohan lang lahat ng nalaman mo tungkol
sa isang tao na mahal mo. Iisipin mo na hindi totoo yung mga narinig mo. Iisipin mo
 na sinisiraan lang nila para maghiwalay kayo. Pero dati pa man meron ka ng pagdududa
sakanya. Ngunit di mo sinasabi sakanya at nananahimik ka na lang kasi ayaw mo ng gulo.
 Onti onti na din nasisira ang tiwala mo sakanya. Gulong gulo ka na. Lalo't lalo na hindi kayo
madalas nagkikita. Di mo maiiwasan na manahimik na lang sa isang kwarto kasi hindi mo
na alam kung sino na ang paniniwalaan mo. Ang daming tumatakbo sa isip mo, sa dinami
 dami nun. Nagpatong patong na ang lahat ng mga problema mo, hindi mo na alam kung saan
ka magsisimula, kung ano ang una mong aayusin. Alam niyo yung feeling na pinagkatiwalaan
mo naman siya. Hindi mo malaman kung saan ka ba nagkulang at kung bakit pa niya naisip
na maghanap ng iba at ang masama pa dun ay nalaman mo pa ito sa ibang tao.