4/15/13

Here We Go Again



Alam niyo yung feeling na ang saya saya na ng sitwasyon mo ngayon tapos biglang kakausapin ka ulit nung nang gago sayo na minahal mo. Yung tipong kakausapin ka pagkatapos ka lokohin and the fact na hindi pa nga kayo nagkakaayos kasi tinakbuhan niya problema niyo. Kakausapin ka akala mo kayo pa din, babalik siya na yung trato niya sayo kala mo kayo pa din talaga. Gusto ka pa niyang balikan? Gusto mo man makipagbalikan pero mahirap na din ibalik ang tiwala. Sobrang fresh pa din nung sakit na nararamdaman mo na pangloloko na ginawa niya eh. Ano to? Ilang araw na nakalipas okay na ulit tayo?  Siguro mababalik niyo ito pero hindi na kayo kagadatinaya ng dati na sobrang sweet.. pero ganun talaga ang buhay eh. Lahat merong katapusan. Wala namang perpektong relasyon. Dadating ka din sa punto na mababagok din ang ulo mo sa katotohanan. Alam niyo yung feeling na alam mo sa sarili mo na mahal mo pa siya pero pilit mong nilalayo ang sarili mo dahil naloko ka na niya. Ayaw mo na din kasi magpakatanga. Kaya pinagtatakpan mo na lang ang tunay mong nararamdaman. Nagbubulag-bulagan para makalimutan mo na siya ng lubusan. Minsan mapapaisip ka na lang, bakit to sayo ginagawa. Siguro, para itest ka kung sino ba talaga ang pipiliin mo. Kung yung taong andyan lang sa tabi mo kahit alam niyang may mahal kang iba pero inaantay ka pa din o kung yung taong mahal mo pero ginagago ka. Kaya bago ka gumawa ng aksyon isipin mo muna ito ng mabuti kung makakabuti pa to sayo at siguraduhin mo muna ito.