4/8/13

Patawarin



Maaring mahirap ang magpatawad pero minsan ito lang naman ang kailangan mo para gumaan ang loob mo. Pag hindi ka kasi nagpatawad parang may tinik sa puso mo na sobrang sakit. Hindi mo man maiiwasan na kalimutan ang ginawa niya sayo. Masakit man ito pero wala ka na magagawa. Hindi mo na mababalik yun dahil nangyari na eh. Hindi mo rin matatanggal, kung meron lang delete o kaya rewind ang buhay natin wala na sigurong problema ang mundo natin ngayon. Darating din sa punto na marerealized mo na mahal mo pa siya kaya mapapatawad mo pa siya. Kahit na sabihin mong meron nang bagong nagpapasaya sayo. Kung mahal mo pa din ang nakaraan mo. Ang nangyayari parang nagiging panakip butas mo lang siya. Kahit na ibroadcast mo sa buong mundo na mahal mo siya, alam mo sa sarili mo na magkakaroon ka ng change of plans sa buhay. Siya pa rin kasi talaga eh. Hindi naman masama bumalik sa nakaraan. Siguro, masyado lang kayong naging OA na pwede pang ayusin pero hindi niyo lang nagawa dahil yun sa init ng ulo at dahil inuna niyo ang pride niyo. Pwede naman kayo magbalikan eh. Yun nga lang, magsisimula ulit kayo ng bagong libro ng buhay. Yung tipong bago ang lahat, iparamdam mo lang naman na mahal mo talaga siya at handa kang lumaban kung ano na ang meron kayo. At syempre, bago ang lahat matutong magpatawad. Patawarin mo muna siya bago kayo magsimula ulit. Para hindi ka na titingin sa nangyari sainyo dati. Ang tanging gagawin mo ay magsisimula ulit. Kaya goodluck na lang kung ano mangyari.