BATCH 2012
Two years na nakakalipas nung gumaraduate ako from high school.
Yes, mamimiss mo lahat ng nangyari nung highschool pero ganyan talaga ang buhay
laging may hangganan. Hahaha. Nakakamiss nga naman. Kung tutuusin mas gugustuhin
kong bumalik sa chill days nung high school noon sobrang chill compared ngayon.
Pero sa naaalala ko sooobrang sinulit ko yung mga huling araw ko nung highschool...
Miss ko na batch ko. LAKAAAAS HAHAHAHAHA HUHUHU
Hi Seniors, syempre mag-cocollege na kayo. Nahihirapan kayo pumili ng school?
One piece of advice lang. WAG NA WAG niyong iisipin ang pangalan ng school
na papasukan niyo. Hindi dahil kilalang kilala siya dun ka na papasok. Pumasok ka
sa school na alam mong safe ka at less hassle. Masaya nga mag-Manila and
universities pero ang tanong kilala ka ba ng mga professors dun? Sa tingin mo
makikilala ka at maaalala? Wala yan sa pangalan. Bumase ka sa quality ng education
nila. Kaya wag na wag mong iisipin ang pangalan ng school na papasukan mo.
Nag-aaral ako ngayon sa Assumption College hindi siya malaking school hindi siya
university pero masasabi ko na maganda ang quality ng education nila. College
pero okay na. Balang araw pag pumasok ka na sa isang university mapapagod ka
din. Lol. Buti pa ko jeep jeep lang okay na. Walking distance pa ang mga malls.
Oh diba?! Promote promote din ng school no? Lol. Pero anyway, pag dating naman sa
course isipin mo yung bagay na gusto mo talaga. Yung libangan mo. Isipin mo kung saang
field ka magaling. Mas masarap kasi mag-aral kapag gusto mo course mo. Mahirap
yung shift ng shift. Kaka-shift mo hindi mo malalayan na lagpas lagpas ka na sa college.
Ano tambay at aral na lang forever sa college? Lol. Kaya isipin mong mabuti ang course mo.
Wala ng atrasan yan kasi mahirap na yan! Wag ka din dun sa course na sa tingin mo dahil
madaming kumukuha makiki-join ka na din. So dun ka talaga sa field na gusto mo.
And lastly!!!!! Yay college na kayo pero hindi ibig sabihin puro party kayo.
Sige puro party kayo goodluck sa grades. Tres okay na? Ano ba yan. Mag-aim ka
naman ng UNO. Wag puro goodtime. Aral aral din. Pangit kasi yung paulit ulit
mong binabaksak yung subject. Plus! Wag cut ng cut. Cut ka ng cut wala ka nang
ginawa kundi magcut. Mag-gupit ka na lang kaya ng buhok..... lol funny ko no
Isipin mo kung 4 years ka lang sa college dapat 4 years lang talaga! Masarap
na hindi umulit ng subject. Masarap gumaraduate ng tama sa oras. Masarap magkaroon
ng matataas na grades! Kaya goodluck. Be wise! Hindi dahil College ka na free ka.
Lagi mong iisipin madaming masasamang tao sa paligid. Malay mo ikaw ang mabiktima dyan.
Ang school at course isiping mabuti!!!!! Mag-aral ng mabuti!!!! Wag puro party!
Kundi grades niyo din puro party! Mahihirapan pa kayong kumuha ng trabaho. Naks.
Trabaho agad? Lol. Lumayo sa tukso at bisyo! Baka mawalan ng kinabukasan.
CONGRATULATIONS!!!!!! BEST OF LUCK.